kung ako’y iyong lilimutin (if you forget me)

Isang bagay lang ang nais kong ipahiwatig.

At ito’y mababatid mo rin:
Kung pagmamasdan ko ang maningning na buwan
sa likod ng mapupulang sanga sa kahabaan ng gabi
habang nakadungaw sa bintana

Kung pipilitin kong salatin sa nalalapit na apoy
ang mga abong mailap sa pakiramdam ng aking daliri
o ang mga naagnas na kahoy na panggatong at papel na pamarikit

Tangay nito lahat ang iyong alaala
Animo’y lahat ng bagay sa paligid
at mga pangyayaring kasalukuyang umiiral:
ang samyo at liwanag,
ang mga ohas at pohas,
ay para bang mumunting paraw
na walang patid na lumalayag patungo sa iyong kandungan

Ngayon, kung ang iyong pagsinta ay unti-unting papanaw,
unti-unti ko ring itatakwil ang aking pag-ibig.
Kung daglian ang iyong paglimot,
huwag na huwag mo akong lingunin,
sapagkat ika’y ibinaon ko na sa aking alaala.

Sa mataimtim at hibang na pagninilay
ang mga ihip ng hangin na nagmuwestra
sa nakalipas na panahon ng ating buhay,
at ikaw ay magpasyang ako’y iwan sa dalampasigan ng puso
na kung saan ako’y namalagi at nagkaugat.
Pakatandaan mo,
sa mismong araw at oras ding iyon,
papasiglahin ko ang aking mga bisig
upang humanap ng panibagong lupain para sa aking mga ugat.

Ngunit,
kung sa bawat araw,
sa bawat oras na lumipas,
batid mo sa iyong sarili na ako ang iyong tadhana
balot ng di mapipigilang tamis ng pag-irog,
at ang mga talutot ng bulaklak ay hinaharana
at hinahanap ako sa iyong mga labi
Oh mahal ko, oh aking natatangi,
Muling magbabaga ang aking puso
Na halos walang bahid ng pagpawi o paglimot

Ang aking pag-ibig ay nakasalalay sa iyong pag-ibig, mahal ko.
At ito’y taglay mo sa iyong mga bisig habang ika’y nabubuhay
Na hindi man lang sa akin ay lumisan.

***

This is my very own Tagalog translation of an extremely beautiful poem entitled “If You Forget Me” by Pablo Neruda. My first attempt at such and it racked my brains out trying. It may not be as accurate but I simply realized once again how rich and beautiful Tagalog/Filipino language is. Sadly, for some, it is a dying language.

4 Responses to “kung ako’y iyong lilimutin (if you forget me)”

  1. LeLaY

    Mahusay ser! =))

    Ang ”muwestra” pala ay tlgng matinong salita. akala ko ito ay colloquial term.”Ohas at Pohas?! Arrgh!sigh! *balinguynguy*

    Kung tutuusin..mas mahirap ang Filipino kesa Ingles. :)

    myFave lines :
    Ngayon, kung ang iyong pagsinta ay unti-unting papanaw,
    unti-unti ko ring itatakwil ang aking pag-ibig.
    Kung daglian ang iyong paglimot,
    huwag na huwag mo akong lingunin,
    sapagkat ika’y ibinaon ko na sa aking alaala.

    ser..mas maganda pa den ang PABANGO NG IYONG MGA MATA. :)

    Reply
  2. Fojee

    I had to read this slowly. You’re right. It took me moving to Canada to miss the language, to really feel it dying. These days I stock up on words like dakong hilaga or kinagisnan. They’re already unfamiliar to my ears.

    I just found out about your music today, while searching for Philippine folk rock. (I was looking for something like The Decemberists, and I clicked on Camerawalls first so I feel really lucky.) I like the literary influences in your songs. I’d buy them, as soon as I figure out how to go on itunes. (They’re not available on Amazon in Canada.) Anyway, thank you for the poetry and the music.

    Reply
  3. Jay Pascual

    Napakaganda po ng pagkakasalin. Napakatamis. Tama po kayo; isa ito sa pinakamagandang tula ni Pablo Neruda. Nang mabasa ko ang inyong salin ay bigla kong naalala ang pagtatangka kong isalin ang kaparehong tula. Ang salin-pamagat nito ay Kung Ako’y Malimot Mo dito po sa pahinang ito: http://jaympascual.blogspot.com/2008/10/kung-ako-malimot-mo.html Ikalulugod ko na ibahagi ito upang tayo ay makapagpalitang kuro.

    Reply
  4. Alfred S. Granados II

    wow!!!naghahanap ako ng translation sa hiligaynon ng mga tula ni Neruda, pero eto ang nakita ko, ang galing!!!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Basic HTML is allowed. Your email address will not be published.

Subscribe to this comment feed via RSS

%d bloggers like this: