pagtangi at pangungulila

Sa aking paglipad, dala ko ang iyong alaala
Aking iuukit sa matatayog na ulap
Ang nangungusap mong mga mata
At labing puno ng tamis at ligaw na salitang
tumatakas sa iyong puso at diwa.

Sa aking pagkakawalay, tangay ko sa aking mga bisig
Ang mga hiblang tama ng masamyo mong buhok
na bakas sa higpit ng pagkakayakap
Mangulila man, isang pitik ng daliri at kurap ng mata
Alam kong nandiyan ka lamang sa aking tabi (Higit pa sa multo sa dalas ng paramdam).

Sa aking pagbabalik, iipunin ko ang mga araw at gabi
na nawalay sa iyong piling
Susuklian ko ng habang buhay na pagtangi.
Walang makakasupil, hahamakin ang tadhana
Makapiling kang lubos, hanggang sa paglagot ng hininga.

~ Clementine

6 Responses to “pagtangi at pangungulila”

  1. patrick egalin

    Nice…. sana nga maging kanta ‘to… mtagal tagal n rin na di tayo nkarinig ng tagalog song mula kay kuya clem… :-)

    Reply

Leave a reply to Stariray Cancel reply

Basic HTML is allowed. Your email address will not be published.

Subscribe to this comment feed via RSS